taco potato
November 15, 2009
I had a few taco flavored beef but I ran out of taco shells so I boiled some potatoes and made a taco potato.
Here’s what you need:
1/2 K. beef
1 pack of taco seasoning (I use Mc Cormick)
1 onion (chopped)
1/2 K. of Potatoes
1/2 cup of sour cream
parsley for garnish
Here’s what to do:
1.) Wash potatoes and boil
2.) While waiting for the potatoes to boil, saute onions.
3.) Add beef and taco seasoning.
4.) When beef is cooked. Set aside.
5.) When Potatoes are cooked, cut in half, do not peel, and scoop potato in the middle.
6.) Place sauteed beef and a tablespoon of sour cream. Top with parsley.
Kinabukasan…
September 29, 2009Kinabukasan ay dumating. Umuulan pa rin ngunit wala ng bakas ng baha sa amin. Ang aking asawa at biyanan ay humayo sa kanilang bahay. Tinignan kung ano man ang pwede pang maisalban sa kanilang bahay. Ako ay tila himbing pa rin sa aking pagtulog. Napilitan gumising sa boses ng nasa paligid ko at tila walang pakundangan at walang pakiaalam kung may natutulog pa ba o wala na.
Wala kaming tubig na maiinom, walang mabilhan. Walang pangpawi ng uhaw.
Nang umalis ang aking asawa nagbilin kmi ng tubig. Sa kanyang pagbalik walang tubig siyang dala.
Pinabili ko ang aming kasama sa bahay na bumili ng kahit na anong panawid uhaw. Bumalik sya na may dala na sofdrinks sa isang kamay at yelo sa kabila. Sinabi ko sa kanya na pupunta kmi sa nalalapit na department store upang makabili ng man lang ng tubig at bigas.
Ng kinahapunan na yun. Nilakad namin ang kahabaan ng aming bahay hanggang sa papuntang bilihan. Nakaramdam ako ng pagod ngunit inisip ko na lamang ang pamilya na naghihintay sa amin at naghihintay ng inumin. Pagkarating doon ay nakita ko ang haba na kung saan nakalagay ang mga tubig ay wala ng gallon gallon na lalagyan. Ang natitira na lamang ay ang malinggit ng bote na may tubig. Kumuha na ako ng marami dahil sa takot na mawawalan ng supply.
Kasabay ko ang dalawang mama. Naawa dahil nagdadalawang isip kung bibili sila o maaring wala silang pambili. Hiniling ko na lang sa Diyos na matulungan sila. Bibilhan ko
Humagilap ako ng bigas at ng karampot ng gatas.
Habang binabaybay ko ang lalagyanng bigas narinig ko ang pinakamalungkot na kantang pamasko para sakin, ang SILENT NIGHT. Nainis ako ng bahagya dahil malungkot na ang mga tao at ganun pa ang kanilang pinatutugtog. Buti na lamang at pinalitan nila ng NOBODY BUT YOU. Ang iba ay napaindak, ang iba napakanta buti na lang kahit sandali sila ay sumaya.
Nang nasa bayaran na kmi nakita ko na sakto lang ang pera ko. Kulang pa nga kung tutuusin eh. Nagtingin tingin ako sa mga kasuloksulukan kung may naisubi pa ako kahit munting halaga. Buti na laman at nagpadala ng isang daan ang aking biyanan na pambili
Mabigat ang aming mga nabili. Isipin mo Sampung kilo ng bigas, 20 bote ng tubig na maliliit, 2 bote ng tig 1.5 na litro ng softdrinks ang isa ay 2 litro at isang litro ng mantika.
Malayo pa ang lalakaran namin. Hindi ko alam kung sa intayan ba ng tricycle ay may masasakyan kmi o lalakarin nanaman namin ang kahabaan ng daan papunta sa aming tahanan.
Buti na lamang naghintay kmi ng sandali at may dumating na tricycle… nakauwi din kmi sa wakes. Salamat.
Unang araw ng Dilubyo
Pagkagising ko ng umaga. Lumabas ako ng kwarto. Naroon ang aking anak na bunso ngumiti sa aking. Nagtanong ang aking mapagmahal na kasama sa bahay kung ano ang lulutuin. Sinabi ko na sya na ang bahala.
Binuklat ko muli ang aking libro. Habang nagbabasa may nagtext sa aking asawa, ang aking bayaw. Minungkahi nya na bumabaha na sa kanila. Medyo ako ay nagulumihanan. Naisip ang aking anak na nasa kanilang puder sa pagkakataon na yun. Kahit ayw ko pa man na gisingin ang aking asawa ay ginawa ko na rin upang sabihan sya sa sitwasyon ng kanyang pamilya.
Sinabi nya sya ay kakain muna at iintayin na lang ang hudyat na galling sa kanila kung kailan sila susunduin. Ako ay nangulit dahil gusto ko na rin Makita ang aking anak at alam ko na sya ay iniintay na rin ng kanyang kapatid. Ngunit sabi nga aking asawa ay maghintay. Ginawa ko iyon. Inaliw ang sarili sa pagbabasa pampalipas oras kumbaga.
Alas tres ng hapon. Sinabi ko sa aking asawa kmi ay tumungo na at puntahan ang kanyang pamilya. Mamaya na lang daw. Siya muna ay mamamahinga. Hinayaan ko.
Alas kwatro….
Alas singko…
Nakita ko na naglalapit na ang takip silim. HInayaan ko sya magising ng sa kanya. Ipinalabas ko lahat ng kandila sa aking kasama sa bahay. Naghanda dahil aking nakita na ang daanan sa labas n gaming bahay ay baha na. Pinahanda ko an gaming bangka. OO may bangka kmi. Bigay ng aking mga magulang para sa aming mga anak. Hindi ko inakala na ang unang gamit ng bangkang iyon ay magiging sobrang sulit dahil sa baha na nararanasan naming noon.
Nagising ang aking asawa. Niyaya ko na. Sinabi ko na kailangan na naming puntahan dahil ang liwanag ay napapalibutan na ng dilim. Masaya pa ako. Parang laro lang sa akin gang lahat ng ito. Lumabas ako para kunin ang flashlight sa aming sasakyan para ito ang gamitin sa aming tatahakin na daan. Pagkaakyat ko nahipan na ang bangka. Nakahanda na ang sagwan. Kinuha ko ang floater ng anak ko. Ipasusuot ko sa kanya mamaya.
Binuhat naming ang bangka. Isipin mo sino mag-aakala na kmi ay may bangka sa aming munting tahanan.
Paglabas sa pintuan n gaming condo. Nagulat ang lahat ng naroon.
Nakasakay na ako sa bangka. Hinihila ito ng aking asawa. Natutuwa pa ako na parang bata. Pero nakita ko sa aking paligid na lubog na ang mga sasakyan. Malalim na ang tubig. Hindi na nakakatuwa ang pangitain na ito. Nmadali kmi nakalabas dahil ang agos ng tubig ay ayon sa tinatahak naming na daan. Paglabas ng kalsada ninais ko bumaba dahil nakaramdam ako ng hiya. Hinihila naming ang bangka. Nakita ko ang mag-asawa na bitbit ang kanilang mga anak. Kasing laki rin sila ng mga anak ko. Nilapitan ko sila at sinabi na isakay ang mga bata para hindi sila mahirapan. Kinausap ko sila habang kmi ay naglalakad. Ito ay upang mapawi ang kaba na kanilang nararamdaman. Nararamdaman ko rin kase ang naramramdamn nila. Ang kaibahan kasama nila ang kanilang mga anak. Ako hindi. Sinabi ng lalaki na ililikas nya sila sa kanilang opisina na malapit lang. Mataas doon. May fourth floor. Natuwa ako sa aking narinig ngunit napagtanto na paano ang iba na walang mapupuntahan? Paano ang iba na hindi kayang lumikas? Paano ang iba na wala ng kakayanang makaalpas? Paano na sila? Paano na?
Nakarating kmi sa gitna ng creek. Hinawakan naming ang bangka. Kakayanin kmi higupin nito. Pinikit ko ang aking mata. Huminga ng malalim at tinulak ang bangka. Madali lang naman ito. Kay liit ng creek na iyo kumpara sa ilog na malapit sa kanila. Ang dahilan ng paglubog ng aming munting kumunidad.
Medyo napaiyak ang bata sa bangka. Hinaplos ng kanyang ina at winika na umupo lang muna. Nagulumihanan ako at lumabas sa aking bibig “Anak malapit na. Malapit na anak.”
Sa gitna ng daan ay nakita naming ang aming kapit bahay. Nagtanong kung ano na ang lagay sa aming lugar. Sinagot sya ng aking butihing asawa. Medyo mababa na ang baha. Binuhat na lamang ng magasawa ang kanilang mga anak. Kami naman ay binuhat na rin naming ang aming bangka. Naglakad ng kaunti at tumawid sa kapirangot nga baha. Nakita naming ang ilang mga truck na tumutulong para ilikas ang ibang tao na walang masisilungan. Sumakay na rin kmi sa bangka. Hanggang baiwang ko na ang tubig kase. Ginamit na naming ang sagwan. Ang bilis n gaming takbo. Naaayon kse ito sa agos ng tubig. Parang nasa Cagayan de oro kmi. White water rafting kumbaga. Nang makapasok kmi sa loob ng subdivision wala ng kuryente. Madilim, nakakatakot parang wala ka sa Ciudad. Namumula ang langit at iisipin mo na panaginip lamang ito lahat.
Nakita kmi ng kaibigan ng aking asawa. Kinamusta at sinabi ang lagay ng kanyang pamilya. Tinahak na namin ang natitirang daan. Upang sila ay masundo at mailikas na . Tahimik ang buong daigdig sa dakong paroon. Hindi mo alam kung ang iba ay linisan ang kanilang tahanan o nagtataas ng kung ano mang gamit ang kayang isalba.
Ang ibang tahanan na may ikalawang palapag ay may munting liwanag sa kanikanilang bahay. Naisip ko buti naman at maayos sila. Paano ang iba na walang pangalawang palapag ang kanilang bahay. Papalapit na kmi. Sumigaw ako para malaman nila na kmi ay naroon na. Binuksan nila ang pinto. Ipinasok naming ang bangka. Narinig ko ang tinig ng aking anak. Nagmadali akong pumasok ng bahay. Nakita ko siya. Nasa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ngunit sumaya noong nakita nya akong papalapit sa kanya. Mahigpit nya akong niyakap. Hinalikan at sinabi “OH YOU ARE RESCUING ME MOMMY!”
Inglesero talaga ang anak ko. Nilapitanako ng aking bayaw at sinabi “may island nga siya eh dba.” Tumingi sa aking anak. “kaso lumubog na.” At ngumiti.
Natuwa ako dahil kalmado pa rin siya at nakayanan nya pa aliwin ang pamangkin niya.
“Mommy there’s flood oh. Can you see?” Hay. Inglesero talaga sya. Conyo sabi ng iba.
Tinignan ko ang aking paligid. Lahat ay lumulutang na. Niyakap ko ang aking anak. Pinagsuot ng floater nya at binuhat papunta sa kanya bangkang aming dala.
Hinihintay pa namin ang aking biyanan habang sya ay natataranta sa paghahanap sa isang bag na naglalaman ng mga titulo.
Sinabihan ko sila na tumataas na ang tubig kayat kailangan bilisan ang paglilikas. Nalalaman ko ito dahil sa kotse. May linya ito na lumalapit ang tubig sa paligid nito.
Pinalapit ako ng aking anak at niyakap. “You know why there is flood?” Sa tanong nya na ito naisip ko kung alam nya ba kung ano and Flood sa tagalong sabay sinagot ko sya “No. Do you?” Sumagot sya “Because people are so bad, they don’t throw their trash where it’s suppose to be. And when it rain it floods because there are so many trash, The water is trap there is so many basura.”
Napangiti ako. Tinignan ang mata ng aking anak kahit na ang ilaw lang naming ay isang karampot na kandila. Nagbuntong hininga sya…”Hay, why are people like that. It’s easy to do it naman diba? Me and Ailey can throw trash even are small eh. Why can’t they do it? Hay…” isang malalim na buntong hininga. “How about me?” Kanyang naimungkahi.
Nagulat ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang huling tanong. Ito ba ay nangangahulugan na paano na ang kanyang sitwasyon? Paano na ang kanyang mga laruan at kagamitan. Paano na ang kanyang hinaharap… ang kanyang kinabukasan?
Sa totoo wala akong maisagot. Kinalampag ko sila. Tumataas na ang tubig. Kailangan na lumikas.
Sa wakas, nakita na rin ang importanteng papeles at kung ano ano pa. Maari na kaming humayo. Isinakay na rin naming ang nanay ng aking asawa. Isinaman ang tiyuhin nilang matanda na. Ngunit maglalakad sya. Kayang kaya naming itulak ang bangka madali lang naman.
Dumating kmi sa parte na ang agos ng tubig ay kabaliktaran ng daan na aming tatahakin. Mahirap labanan ang agos. Isinakay na naming ant tiyuhin ng aking biyanan. Nilalamig na sya. Nakakaawa dahil kung tutuusin sya dapat ang nakasakay doon sa kanyang kalagayan. Nagsasalita ang aking biyanan ngunit wala na pumapasok sa aking isipan. Hindi ko sya maintindihan. Ang nasa isip ko lang. Kailangan kumpleto kmi. Kailangan walang maiiwan. Lahat ng lakas ko ibinibigay ko. Hinihila ng asawa ko tinutulak ko pero parang walang nangyayari. May kasalubong kmi sinabi na mahirap pagdating sa pasalubong na daan. Dahan dahan akong nanghina. Iniisip ko hinihintay na kmi ng isa ko pang anak. Hinihintay nya ang kanyang kapatid. Hinihintay ang kanyang tatay. Kailangan kmi makarating ng bahay. Hanggang sa napabitaw ang aking kamay. Hindi ko na nakayanan humawak sa bangka. Tinamaan ako ng bakal. Masakit pero hindi ko na masabi sa aking asawa. Ikinaway ko ang aking kamay. Binigyan sila ng senyas na humayo na sila. Kaya ko ang sarili ko. Nagpahinga ako sa guard house. Huminga ng malalim at sinabi sa guard na tulungan nya ako makalagpas. Dalawa sila ang isa ay mas manipis pa ang katawan sa aking. Pinipilit nya akong tulungan. Ngunit natakot ako dahil mas nadadala sya ng agos kaysa sa akin. At nahihila nya ako. Matatangay nya ako lalo at hindi makakatulong sa aking sitwasyon. Ang isa ay may kabigatan at kalakihan ang katawan. Sya ang tumulong sakin na makalagpas sa lakas ng agos ng tubig.
Nang ako ay nakalagpas nagpasalamat ako ng buong puso ko. Sa kanya at sa nilalang na nagpadala sa kanya upang maging instrumento ng aking pagkalagpas. Hinakbang ko ang aking mga paa ngunit nakaramdam ng pagod. Tinawag ang mga kasama na isandal sa nalalapit na kotse ang bangka dahil ako ay mamamahinga muna. Nang matapos iyon may nagmagandang loob na tumulong samin. Isang matanda na medyo may kabigatan ang katawan at isang binatilyo na katamtaman lang ang katawan. Nagulat ako ng ibigay niya ang jacket nya sa anak ko para hindi mabasa. Nalunod ang aking puso dahil mayroon pa palang ganitong tao. Hindi makasarili at mapagmalasakit sa tao. Malakas pa rin ang agos. Nilabanan ko ito. Nakarating kmi sa kanto at humiwalay na ang mga tumulong. Hindi ko man sila napasalamatan ng personal dahil medyo naiwan ako ng mga sampung hakbang ngunit nagpasalamat ako sa nilalang na ginawa silang instrumento sa pagtulong sa amin. Itinulak naming muli ang bangka. Ngayon ay madali na kaysa sa kanina. Madali na ang paghakbang dahil ang tubig sa daan ay mas mababaw na. Nang matanaw naming na hanggang talampakan na lang ang tubig sinabihan ko sila na bumaba na muna at maglakad. Ang anak ko lang ang naiwan sa bangka. Hinila ko sya at ang aking asawa ang umalalay sa mga matanda. Isinakay na lamang naming sila muli ng nalalapit na kmi si creek. May mabuting loob ang tumulong sa amin. Isipin mo papunta na sya sa kabilang direction ngunit bumalik sya upang tumulong. Nagpasalamat akong muli. Hindi nagsisi sa disisyon na ditto manirahan. Kahit papano may mabuting tao pa rin sa mundo.
Nakita ko na an gaming tinitirahan. Malapit na. Ngunit ang agos papasok sa amin ay malakas din. Nauubos na ang aking lakas. Pinasakay na rin naming ang aking biyanan dahil hindi sya marunong lumangoy. Hanggang dibdib na kse ang tubig. Ito nanaman ang taliwas na agos. Mahirap tumulak. Ang ibang tao sa di kalayuan ay nakuha pang kumuha ng kitrato. Pagod na ako. Kaunti na lang malapit na… malapit na.
Nakarating din kmi sa bahay. Nangangatog ang tuhod. Humigop ng sopas. Ang asawa ko babalikan ang biyanan kong lalaki, bayaw at ang kanilang katulong. Pikit mata akong humalik sa aking asawa nagwika na magiingat ka at mahal kita… Lumabas sya ng pinto. Dala ang sagwan. Bahagyang ngumiti… at bumaba ng hagdanan.
Niyakap ko ang aking bunsong anak. Habang hinahalikan sya ng kanyang Kuya. Inasikaso ko sila. Binigyan ng gamit upang mahimasmasan sa dilubyong tinahak nila. Inaliw ng bahagya at pinahiga. Ang tiyuhing matanda ay naligo na. Nakaidlip ng bahagyan. Ang aking biyenan ay humiga muna nanood ng telebisyon habang taimtim na nagaalala sa kanila. Alas diyes na wala pa sila. Sinabi ko na mga isang oras pa bago sila makakarating dahil kung kami nga inabot nga halos 2 oras sa ikli ng tinahak naming na daaan. Nanood kmi ng balita. Lubog na ang mga karatig bayan sa amin.
Biglang bumukas ang pinto at sa aking tuwa dumating na sila, basangbasa nilalamig. Hinainan ko sila at sabay sabay kmi kumain.
Lahat ay namamahinga na. Ako na lamang ang gising. Wala pa rin signal ang aking celphone. Sumilip ako at nakita na dahan dahan ng humuhupa ang baha. Hindi ko pa rin kayang matulog. Nabubulabog ang aking isipan. Hindi makapaniwala sa dilubyong nalagpasan. Ngunit sa likod ng aking isipan. Nalagpasan? Nakalagpas na nga ba o hindi pa tapos ang laban.
Nakita ko ng alas kwatro ng umaga ng ako ay sumilip na wala na ang baha. Wala na ring ulan. Naiwan na lamang ay putik at burak mula sa masalimuot na karanasan… hanggang saan? Hanggang kailan babakas sa mga puso at isip ng tao ang sitwasyon na pinagdaanan.
Napalagay na ako sa aking nakita. Napahimbing na rin. Hinanda ang sarili sa kinabukasan.
Bago ang Dilubyo
Ilang araw akong masaya. Laging nakangiti. Lahat ng nasa paligid ko ay masaya tulad ko may kakaibang sulap sa kanikanilang mata. Lahat ay bumabati, lahat masigasig sa kanikanilang mga gagampanang tungkulin sa buhay.
Medyo makulimlim ng hapon ng Biyernes. Ang araw na dinala ko ang aking anak sa skwelahan upang tignan kung ito ay kanyang magugustuhan. Ninais ng aking mapagmahal na kasama sa bahay na sila ay sumama ng aking bunsong anak kaya’t ako’y pumayag. Inihatid kmi ng aking asawa ngunit nagwikang sya muna ay pupunta sa bangko upang kumuha ng pera. Ako’y sumama na rin sa parehong hangarin.
Ibinaba nya kmi sa kanto. Medyo umaambon ngunit may paying at sombrero naman kaya’t kmi ay tumuloy na sa aming patutunguhan.
Tuwang-tuwa ang aking anak nagustuhan nya ang skwelahan na aming napuntahan. Napag-isipan ko na itututloy ko na sya doon. Tinawagan ko ang aking asawa. Sinabi ko na tapos na kmi at pwede na nya kmi sunduin. Winika nya na papunta na sya. Habang hinihintay nya kmi ay binilhan ko muna ang aking anak ng kaunting pakunswelo dahil sila ay nagging mabubuting bata habang sila aking kasama. Binilhan ko rin ng bagong housing ang aking telepono ng maiba naman ang hitsura.
Naghintay kmi sa kanto. Dumating ang asawa ko na kasama ang aking mga biyanan. Nagyaya sila na kumain muna. Kaya’t kami ay pumunta sa nalalapit na restaurant. Kakmi ay kumain. Lahat ay masaya. Hinatid naming sila. Ninais ng anak ko na matulog sa piling ng aking mga biyanan kaya’t siya ay aming hinayaan.
Noong gabing iyon, ninais kong tawagan ang aking anak upang magsabihan sya ng Mahal ko sya ngunit hindi ko na ginawa. Baka siya ay magpasundo ng hindi oras.
Masyadong malakas ang ulan ng gabing iyon. Binabasa ko ang aking libro. Natutuwa ako dahil hindi naman ako nahihilig sa pagbabasa ngunit may ibang karisma ang libro na iyon kaya’t ako ay nahikayat basahin. Lumakas lalo ang ulan pati ang hangin. Napayakap sa akin ang aking anak na bunso. Umaangi na sa aking ulunan. Kailangan ko tangalin ang higpit ng hawak ng aking anak upang maisara ang bintana sa aming ulunan. Hindi na ako nakapanood ng telebisyon dahil masyado akong nalulong sa aking libro. Hindi ko nalaman na may paparating pala na bagyo. Hindi ko alam ang paparating na DILUBYO.
Ako ay…
September 17, 2009nakakulong sa isang kahon… nagpupumilit lumabas. Ito ay parang aking talento nakatago pa… hindi ko pa kayang ilabas. Maraming nagugulat kapag kanilang nalalaman. Merong iba hindi nila akalain na kaya ko iyon. HIndi sa ayaw kong ipag malaki ang aking kakayanan… medyo hindi pa buo ang aking kumpiyansa. Kapag ako kse ay gagawa ang mga taong una kong inaasahan na makaunawa ay hindi naman ako nauunawaan.
I have to spread my wings… so I can fly high.
Kailan kaya? Kailan?


