September 9, 2009
Hindi ko na kaya! Hahaha. Alas 3 na ng umaga, nagising ako dahil sa .NAghalughog ako sa ref ng makakain. Nakakakita ako ng iceberg lettuce. Naisipan ko gumawa ng Salad. Buti na lang may feta cheese ako nabili nung isang araw. Ginayat ko ang ice berg ng maliliit na pahaba (para madali kainin). Nilagyan ko ng feta cheese sa ibabaw. Pinaghalohalo ko ang fresh basil (chopped) na nakuha ko sa aking halamanan, olive oil, red peppercorn (medyo durog), onting durog na paminta at asin.Ihinalo ko iyon para maging dressing ng salad ko ngunit di ako nasiyahan sa kulay nito. Dinagdagan ko ng kamatis at olives para naman magmukhang masarap( kahit hindi naman hahaha.) Hindi pa ko naligayahan dinagdagan ko pa ng itlog na nilaga sa ibabaw. Kayo rin kaya nyo gawin toh.
Mga kailangan:
- 2 pirasong Olives
- iceberg lettuce
- kamatis
- feta cheese
Para sa dressing:
- Olive oil
- red peppercorn
- paminta
- asin
- sariwang basil na tinadtad