Home » Archives » 10. September 2009
Halika! Samahan mo ako at tignan kung paano ko ibuka and aking PAKPAK sa loob ng aking munting KUSINA.

Dieta

September 10, 2009

Naku! Pinagpipilitan ko madieta! Sobrang lumaki na kse yung timbang ko eh. Mahirap pero pinipilit ko. 2 takal ng kanin ako sa isang araw ngayon. Mahirap ngunit kaya naman. Nagtatsaa ako para matunaw ang kinain at hindi mamuo ang mga sebo sa aking tyan.

Bakit ko ba ginagawa ito? Siguro kse hindi na ako natutuwa sa nakikita ko sa salamin. Medyo hindi na kaaya aya ang aking hitsura. Panget na nga mataba pa. hehehe. Sinisikap ko naman na gawin ang aking makakaya eh. Nakita ko kse ang aking litrato nung buntis ako… mas payat pa ako kesa ngayon. hehehe. Sana nga magkaroon ng resulta.

 Sa panahon kse ngayon, masarap matulog, kumain at magmunimuni. Pero hindi dapat maging hadlang iyon sa aking adhikaing pumayat dba?

Sana may magdilang anghel para sakin an pumayat ako. hehehe.

Posted by dilanganghel at 2:31 am | permalink | Add comment