Bago ang Dilubyo
September 29, 2009Ilang araw akong masaya. Laging nakangiti. Lahat ng nasa paligid ko ay masaya tulad ko may kakaibang sulap sa kanikanilang mata. Lahat ay bumabati, lahat masigasig sa kanikanilang mga gagampanang tungkulin sa buhay.
Medyo makulimlim ng hapon ng Biyernes. Ang araw na dinala ko ang aking anak sa skwelahan upang tignan kung ito ay kanyang magugustuhan. Ninais ng aking mapagmahal na kasama sa bahay na sila ay sumama ng aking bunsong anak kaya’t ako’y pumayag. Inihatid kmi ng aking asawa ngunit nagwikang sya muna ay pupunta sa bangko upang kumuha ng pera. Ako’y sumama na rin sa parehong hangarin.
Ibinaba nya kmi sa kanto. Medyo umaambon ngunit may paying at sombrero naman kaya’t kmi ay tumuloy na sa aming patutunguhan.
Tuwang-tuwa ang aking anak nagustuhan nya ang skwelahan na aming napuntahan. Napag-isipan ko na itututloy ko na sya doon. Tinawagan ko ang aking asawa. Sinabi ko na tapos na kmi at pwede na nya kmi sunduin. Winika nya na papunta na sya. Habang hinihintay nya kmi ay binilhan ko muna ang aking anak ng kaunting pakunswelo dahil sila ay nagging mabubuting bata habang sila aking kasama. Binilhan ko rin ng bagong housing ang aking telepono ng maiba naman ang hitsura.
Naghintay kmi sa kanto. Dumating ang asawa ko na kasama ang aking mga biyanan. Nagyaya sila na kumain muna. Kaya’t kami ay pumunta sa nalalapit na restaurant. Kakmi ay kumain. Lahat ay masaya. Hinatid naming sila. Ninais ng anak ko na matulog sa piling ng aking mga biyanan kaya’t siya ay aming hinayaan.
Noong gabing iyon, ninais kong tawagan ang aking anak upang magsabihan sya ng Mahal ko sya ngunit hindi ko na ginawa. Baka siya ay magpasundo ng hindi oras.
Masyadong malakas ang ulan ng gabing iyon. Binabasa ko ang aking libro. Natutuwa ako dahil hindi naman ako nahihilig sa pagbabasa ngunit may ibang karisma ang libro na iyon kaya’t ako ay nahikayat basahin. Lumakas lalo ang ulan pati ang hangin. Napayakap sa akin ang aking anak na bunso. Umaangi na sa aking ulunan. Kailangan ko tangalin ang higpit ng hawak ng aking anak upang maisara ang bintana sa aming ulunan. Hindi na ako nakapanood ng telebisyon dahil masyado akong nalulong sa aking libro. Hindi ko nalaman na may paparating pala na bagyo. Hindi ko alam ang paparating na DILUBYO.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


