Home » Post Item » Kinabukasan…
Halika! Samahan mo ako at tignan kung paano ko ibuka and aking PAKPAK sa loob ng aking munting KUSINA.

Kinabukasan…

September 29, 2009

Kinabukasan ay dumating. Umuulan pa rin ngunit wala ng bakas ng baha sa amin. Ang aking asawa at biyanan ay humayo sa kanilang bahay. Tinignan kung ano man ang pwede pang maisalban sa kanilang bahay. Ako ay tila himbing pa rin sa aking pagtulog. Napilitan gumising sa boses ng nasa paligid ko at tila walang pakundangan at walang pakiaalam kung may natutulog pa ba o wala na.

 

Wala kaming tubig na maiinom, walang mabilhan. Walang pangpawi ng uhaw.

 

Nang umalis ang aking asawa nagbilin kmi ng tubig. Sa kanyang pagbalik walang tubig siyang dala.

 

Pinabili ko ang aming kasama sa bahay na bumili ng kahit na anong panawid uhaw. Bumalik sya na may dala na sofdrinks sa isang kamay at yelo sa kabila. Sinabi ko sa kanya na pupunta kmi sa nalalapit na department store upang makabili ng man lang ng tubig at bigas.

 

Ng kinahapunan na yun. Nilakad namin ang kahabaan ng aming bahay hanggang sa papuntang bilihan. Nakaramdam ako ng pagod ngunit inisip ko na lamang ang pamilya na naghihintay sa amin at naghihintay ng inumin. Pagkarating doon ay nakita ko ang haba na kung saan nakalagay ang mga tubig ay wala ng gallon gallon na lalagyan. Ang natitira na lamang ay ang malinggit ng bote na may tubig. Kumuha na ako ng marami dahil sa takot na mawawalan ng supply.

 

Kasabay ko ang dalawang mama. Naawa dahil nagdadalawang isip kung bibili sila o maaring wala silang pambili. Hiniling ko na lang sa Diyos na matulungan sila. Bibilhan ko sana sila ngunit wala rin naman akong sapat na pera at ang credit card transaction ay di na tinatanggap.

 

Humagilap ako ng bigas at ng karampot ng gatas.

 

Habang binabaybay ko ang lalagyanng bigas narinig ko ang pinakamalungkot na kantang pamasko para sakin, ang SILENT NIGHT. Nainis ako ng bahagya dahil malungkot na ang mga tao at ganun pa ang kanilang pinatutugtog. Buti na lamang at pinalitan nila ng NOBODY BUT YOU. Ang iba ay napaindak, ang iba napakanta buti na lang kahit sandali sila ay sumaya.

 

Nang nasa bayaran na kmi nakita ko na sakto lang ang pera ko. Kulang pa nga kung tutuusin eh. Nagtingin tingin ako sa mga kasuloksulukan kung may naisubi pa ako kahit munting halaga. Buti na laman at nagpadala ng isang daan ang aking biyanan na pambili sana ng phone card at nakakita ako ng nakalupi na isang daan. Ayos! Kakasya pa ito pambayad at ang sukli ay mabibilhan pa kmi ng pagkain panawid gutom dahil malayo pa ang tatahakin naming na daan.

 

 Mabigat ang aming mga nabili. Isipin mo Sampung kilo ng bigas, 20 bote ng tubig na maliliit, 2 bote ng tig 1.5 na litro ng softdrinks ang isa ay 2 litro at isang litro ng mantika.

 

Malayo pa ang lalakaran namin. Hindi ko alam kung sa intayan ba ng tricycle ay may masasakyan kmi o lalakarin nanaman namin ang kahabaan ng daan papunta sa aming tahanan.

 

Buti na lamang naghintay kmi ng sandali at may dumating na tricycle… nakauwi din kmi sa wakes. Salamat.

Posted by dilanganghel at 2:03 am | permalink

Previous Comments

nakikisimpatya ako sa inyo lahat.

Posted by spiky at September 29, 2009, 8:06 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment