Home » Post Item » Unang araw ng Dilubyo
Halika! Samahan mo ako at tignan kung paano ko ibuka and aking PAKPAK sa loob ng aking munting KUSINA.

Unang araw ng Dilubyo

September 29, 2009

 

Pagkagising ko ng umaga. Lumabas ako ng kwarto. Naroon ang aking anak na bunso ngumiti sa aking. Nagtanong ang aking mapagmahal na kasama sa bahay kung ano ang lulutuin. Sinabi ko na sya na ang bahala.

 

Binuklat ko muli ang aking libro. Habang nagbabasa may nagtext sa aking asawa, ang aking bayaw. Minungkahi nya na bumabaha na sa kanila. Medyo ako ay nagulumihanan. Naisip ang aking anak na nasa kanilang puder sa pagkakataon na yun. Kahit ayw ko pa man na gisingin ang aking asawa ay ginawa ko na rin upang sabihan sya sa sitwasyon ng kanyang pamilya.

 

Sinabi nya sya ay kakain muna at iintayin na lang ang hudyat na galling sa kanila kung kailan sila susunduin. Ako ay nangulit dahil gusto ko na rin Makita ang aking anak at alam ko na sya ay iniintay na rin ng kanyang kapatid. Ngunit sabi nga aking asawa ay maghintay. Ginawa ko iyon. Inaliw ang sarili sa pagbabasa pampalipas oras kumbaga.

 

Alas tres ng hapon. Sinabi ko sa aking asawa kmi ay tumungo na at puntahan ang kanyang pamilya. Mamaya na lang daw. Siya muna ay mamamahinga. Hinayaan ko.

 

Alas kwatro….

 

Alas singko…

 

Nakita ko na naglalapit na ang takip silim. HInayaan ko sya magising ng sa kanya. Ipinalabas ko lahat ng kandila sa aking kasama sa bahay. Naghanda dahil aking nakita na ang daanan sa labas n gaming bahay ay baha na. Pinahanda ko an gaming bangka. OO may bangka kmi. Bigay ng aking mga magulang para sa aming mga anak. Hindi ko inakala na ang unang gamit ng bangkang iyon ay magiging sobrang sulit dahil sa baha na nararanasan naming noon.

 

Nagising ang aking asawa. Niyaya ko na. Sinabi ko na kailangan na naming puntahan dahil ang liwanag ay napapalibutan na ng dilim. Masaya pa ako. Parang laro lang sa akin gang lahat ng ito. Lumabas ako para kunin ang flashlight sa aming sasakyan para ito ang gamitin sa aming tatahakin na daan. Pagkaakyat ko nahipan na ang bangka. Nakahanda na ang sagwan. Kinuha ko ang floater ng anak ko. Ipasusuot ko sa kanya mamaya.

 

Binuhat naming ang bangka. Isipin mo sino mag-aakala na kmi ay may bangka sa aming munting tahanan.

 

Paglabas sa pintuan n gaming condo. Nagulat ang lahat ng naroon. Para kaming artista nililitratuhan ng mga tao. Sabi nila AYOS AH! Tumatawa pa kmi ng aking asawa. Tuwang tuwa ako. Ngunit ng sinabi ko sa kanila na susunduin ko ang aking anak dahil sila ay nabaha na… nag-iba ang aking pakiramdam. Ang saya na aking nararamdaman noong ako ay maligalig na sumakay sa bangka dahil sa lahat ng atensyon ay bilang napawi at napalitan ng takot. Hindi ko alam kung bakit…

 

 

Nakasakay na ako sa bangka. Hinihila ito ng aking asawa. Natutuwa pa ako na parang bata. Pero nakita ko sa aking paligid na lubog na ang mga sasakyan. Malalim na ang tubig. Hindi na nakakatuwa ang pangitain na ito. Nmadali kmi nakalabas dahil ang agos ng tubig ay ayon sa tinatahak naming na daan. Paglabas ng kalsada ninais ko bumaba dahil nakaramdam ako ng hiya. Hinihila naming ang bangka. Nakita ko ang mag-asawa na bitbit ang kanilang mga anak. Kasing laki rin sila ng mga anak ko. Nilapitan ko sila at sinabi na isakay ang mga bata para hindi sila mahirapan. Kinausap ko sila habang kmi ay naglalakad. Ito ay upang mapawi ang kaba na kanilang nararamdaman. Nararamdaman ko rin kase ang naramramdamn nila. Ang kaibahan kasama nila ang kanilang mga anak. Ako hindi. Sinabi ng lalaki na ililikas nya sila sa kanilang opisina na malapit lang. Mataas doon. May fourth floor. Natuwa ako sa aking narinig ngunit napagtanto na paano ang iba na walang mapupuntahan? Paano ang iba na hindi kayang lumikas? Paano ang iba na wala ng kakayanang makaalpas? Paano na sila? Paano na?

 

Nakarating kmi sa gitna ng creek. Hinawakan naming ang bangka. Kakayanin kmi higupin nito. Pinikit ko ang aking mata. Huminga ng malalim at tinulak ang bangka. Madali lang naman ito. Kay liit ng creek na iyo kumpara sa ilog na malapit sa kanila. Ang dahilan ng paglubog ng aming munting kumunidad.

 

Medyo napaiyak ang bata sa bangka. Hinaplos ng kanyang ina at winika na umupo lang muna. Nagulumihanan ako at lumabas sa aking bibig “Anak malapit na. Malapit na anak.”

 

Sa gitna ng daan ay nakita naming ang aming kapit bahay. Nagtanong kung ano na ang lagay sa aming lugar. Sinagot sya ng aking butihing asawa. Medyo mababa na ang baha. Binuhat na lamang ng magasawa ang kanilang mga anak. Kami naman ay binuhat na rin naming ang aming bangka. Naglakad ng kaunti at tumawid sa kapirangot nga baha. Nakita naming ang ilang mga truck na tumutulong para ilikas ang ibang tao na walang masisilungan. Sumakay na rin kmi sa bangka. Hanggang baiwang ko na ang tubig kase. Ginamit na naming ang sagwan. Ang bilis n gaming takbo. Naaayon kse ito sa agos ng tubig. Parang nasa Cagayan de oro kmi. White water rafting kumbaga. Nang makapasok kmi sa loob ng subdivision wala ng kuryente. Madilim, nakakatakot parang wala ka sa Ciudad. Namumula ang langit at iisipin mo na panaginip lamang ito lahat.

 

Nakita kmi ng kaibigan ng aking asawa. Kinamusta at sinabi ang lagay ng kanyang pamilya. Tinahak na namin ang natitirang daan. Upang sila ay masundo at mailikas na . Tahimik ang buong daigdig sa dakong paroon. Hindi mo alam kung ang iba ay linisan ang kanilang tahanan o nagtataas ng kung ano mang gamit ang kayang isalba.

 

Ang ibang tahanan na may ikalawang palapag ay may munting liwanag sa kanikanilang bahay. Naisip ko buti naman at maayos sila. Paano ang iba na walang pangalawang palapag ang kanilang bahay. Papalapit na kmi. Sumigaw ako para malaman nila na kmi ay naroon na. Binuksan nila ang pinto. Ipinasok naming ang bangka. Narinig ko ang tinig ng aking anak. Nagmadali akong pumasok ng bahay. Nakita ko siya. Nasa ibabaw ng lamesa. Nanginginig ngunit sumaya noong nakita nya akong papalapit sa kanya. Mahigpit nya akong niyakap. Hinalikan at sinabi “OH YOU ARE RESCUING ME MOMMY!”

 

Inglesero talaga ang anak ko. Nilapitanako ng aking bayaw at sinabi “may island nga siya eh dba.” Tumingi sa aking anak. “kaso lumubog na.” At ngumiti.

 

Natuwa ako dahil kalmado pa rin siya at nakayanan nya pa aliwin ang pamangkin niya.

 

“Mommy there’s flood oh. Can you see?” Hay. Inglesero talaga sya. Conyo sabi ng iba.

 

Tinignan ko ang aking paligid. Lahat ay lumulutang na. Niyakap ko ang aking anak. Pinagsuot ng floater nya at binuhat papunta sa kanya bangkang aming dala.

 

Hinihintay pa namin ang aking biyanan habang sya ay natataranta sa paghahanap sa isang bag na naglalaman ng mga titulo.

 

Sinabihan ko sila na tumataas na ang tubig kayat kailangan bilisan ang paglilikas. Nalalaman ko ito dahil sa kotse. May linya ito na lumalapit ang tubig sa paligid nito.

 

Pinalapit ako ng aking anak at niyakap. “You know why there is flood?” Sa tanong nya na ito naisip ko kung alam nya ba kung ano and Flood sa tagalong sabay sinagot ko sya “No. Do you?” Sumagot sya “Because people are so bad, they don’t throw their trash where it’s suppose to be. And when it rain it floods because there are so many trash, The water is trap there is so many basura.” Aba. Marunong din pala sya magtagalog.

 

Napangiti ako. Tinignan ang mata ng aking anak kahit na ang ilaw lang naming ay isang karampot na kandila. Nagbuntong hininga sya…”Hay, why are people like that. It’s easy to do it naman diba? Me and Ailey can throw trash even are small eh. Why can’t they do it? Hay…” isang malalim na buntong hininga. “How about me?” Kanyang naimungkahi.

Nagulat ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang huling tanong. Ito ba ay nangangahulugan na paano na ang kanyang sitwasyon? Paano na ang kanyang mga laruan at kagamitan. Paano na ang kanyang hinaharap… ang kanyang kinabukasan?

 

Sa totoo wala akong maisagot. Kinalampag ko sila. Tumataas na ang tubig. Kailangan na lumikas.

 

Sa wakas, nakita na rin ang importanteng papeles at kung ano ano pa. Maari na kaming humayo. Isinakay na rin naming ang nanay ng aking asawa. Isinaman ang tiyuhin nilang matanda na. Ngunit maglalakad sya. Kayang kaya naming itulak ang bangka madali lang naman.

 

Dumating kmi sa parte na ang agos ng tubig ay kabaliktaran ng daan na aming tatahakin. Mahirap labanan ang agos. Isinakay na naming ant tiyuhin ng aking biyanan. Nilalamig na sya. Nakakaawa dahil kung tutuusin sya dapat ang nakasakay doon sa kanyang kalagayan. Nagsasalita ang aking biyanan ngunit wala na pumapasok sa aking isipan. Hindi ko sya maintindihan. Ang nasa isip ko lang. Kailangan kumpleto kmi. Kailangan walang maiiwan. Lahat ng lakas ko ibinibigay ko. Hinihila ng asawa ko tinutulak ko pero parang walang nangyayari. May kasalubong kmi sinabi na mahirap pagdating sa pasalubong na daan. Dahan dahan akong nanghina. Iniisip ko hinihintay na kmi ng isa ko pang anak. Hinihintay nya ang kanyang kapatid. Hinihintay ang kanyang tatay. Kailangan kmi makarating ng bahay. Hanggang sa napabitaw ang aking kamay. Hindi ko na nakayanan humawak sa bangka. Tinamaan ako ng bakal. Masakit pero hindi ko na masabi sa aking asawa. Ikinaway ko ang aking kamay. Binigyan sila ng senyas na humayo na sila. Kaya ko ang sarili ko. Nagpahinga ako sa guard house. Huminga ng malalim at sinabi sa guard na tulungan nya ako makalagpas. Dalawa sila ang isa ay mas manipis pa ang katawan sa aking. Pinipilit nya akong tulungan. Ngunit natakot ako dahil mas nadadala sya ng agos kaysa sa akin. At nahihila nya ako. Matatangay nya ako lalo at hindi makakatulong sa aking sitwasyon. Ang isa ay may kabigatan at kalakihan ang katawan. Sya ang tumulong sakin na makalagpas sa lakas ng agos ng tubig.

 

Nang ako ay nakalagpas nagpasalamat ako ng buong puso ko. Sa kanya at sa nilalang na nagpadala sa kanya upang maging instrumento ng aking pagkalagpas. Hinakbang ko ang aking mga paa ngunit nakaramdam ng pagod. Tinawag ang mga kasama na isandal sa nalalapit na kotse ang bangka dahil ako ay mamamahinga muna. Nang matapos iyon may nagmagandang loob na tumulong samin. Isang matanda na medyo may kabigatan ang katawan at isang binatilyo na katamtaman lang ang katawan. Nagulat ako ng ibigay niya ang jacket nya sa anak ko para hindi mabasa. Nalunod ang aking puso dahil mayroon pa palang ganitong tao. Hindi makasarili at mapagmalasakit sa tao. Malakas pa rin ang agos. Nilabanan ko ito. Nakarating kmi sa kanto at humiwalay na ang mga tumulong. Hindi ko man sila napasalamatan ng personal dahil medyo naiwan ako ng mga sampung hakbang ngunit nagpasalamat ako sa nilalang na ginawa silang instrumento sa pagtulong sa amin. Itinulak naming muli ang bangka. Ngayon ay madali na kaysa sa kanina. Madali na ang paghakbang dahil ang tubig sa daan ay mas mababaw na. Nang matanaw naming na hanggang talampakan na lang ang tubig sinabihan ko sila na bumaba na muna at maglakad. Ang anak ko lang ang naiwan sa bangka. Hinila ko sya at ang aking asawa ang umalalay sa mga matanda. Isinakay na lamang naming sila muli ng nalalapit na kmi si creek. May mabuting loob ang tumulong sa amin. Isipin mo papunta na sya sa kabilang direction ngunit bumalik sya upang tumulong. Nagpasalamat akong muli. Hindi nagsisi sa disisyon na ditto manirahan. Kahit papano may mabuting tao pa rin sa mundo.

 

Nakita ko na an gaming tinitirahan. Malapit na. Ngunit ang agos papasok sa amin ay malakas din. Nauubos na ang aking lakas. Pinasakay na rin naming ang aking biyanan dahil hindi sya marunong lumangoy. Hanggang dibdib na kse ang tubig.  Ito nanaman ang taliwas na agos. Mahirap tumulak. Ang ibang tao sa di kalayuan ay nakuha pang kumuha ng kitrato. Pagod na ako. Kaunti na lang malapit na… malapit na.

 

Nakarating din kmi sa bahay. Nangangatog ang tuhod. Humigop ng sopas. Ang asawa ko babalikan ang biyanan kong lalaki, bayaw at ang kanilang katulong. Pikit mata akong humalik sa aking asawa nagwika na magiingat ka at mahal kita… Lumabas sya ng pinto. Dala ang sagwan. Bahagyang ngumiti… at bumaba ng hagdanan.

 

Niyakap ko ang aking bunsong anak. Habang hinahalikan sya ng kanyang Kuya. Inasikaso ko sila. Binigyan ng gamit upang mahimasmasan sa dilubyong tinahak nila. Inaliw ng bahagya at pinahiga. Ang tiyuhing matanda ay naligo na. Nakaidlip ng bahagyan. Ang aking biyenan ay humiga muna nanood ng telebisyon habang taimtim na nagaalala sa kanila. Alas diyes na wala pa sila. Sinabi ko na mga isang oras pa bago sila makakarating dahil kung kami nga inabot nga halos 2 oras sa ikli ng tinahak naming na daaan. Nanood kmi ng balita. Lubog na ang mga karatig bayan sa amin.

 

Biglang bumukas ang pinto at sa aking tuwa dumating na sila, basangbasa nilalamig. Hinainan ko sila at sabay sabay kmi kumain.

 

Lahat ay namamahinga na. Ako na lamang ang gising. Wala pa rin signal ang aking celphone. Sumilip ako at nakita na dahan dahan ng humuhupa ang baha. Hindi ko pa rin kayang matulog. Nabubulabog ang aking isipan. Hindi makapaniwala sa dilubyong nalagpasan. Ngunit sa likod ng aking isipan. Nalagpasan? Nakalagpas na nga ba o hindi pa tapos ang laban.

 

Nakita ko ng alas kwatro ng umaga ng ako ay sumilip na wala na ang baha. Wala na ring ulan. Naiwan na lamang ay putik at burak mula sa masalimuot na karanasan… hanggang saan? Hanggang kailan babakas sa mga puso at isip ng tao ang sitwasyon na pinagdaanan.

 

Napalagay na ako sa aking nakita. Napahimbing na rin. Hinanda ang sarili sa kinabukasan.

Posted by dilanganghel at 1:51 am | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment