Home » Page 2
Halika! Samahan mo ako at tignan kung paano ko ibuka and aking PAKPAK sa loob ng aking munting KUSINA.

Dieta

September 10, 2009

Naku! Pinagpipilitan ko madieta! Sobrang lumaki na kse yung timbang ko eh. Mahirap pero pinipilit ko. 2 takal ng kanin ako sa isang araw ngayon. Mahirap ngunit kaya naman. Nagtatsaa ako para matunaw ang kinain at hindi mamuo ang mga sebo sa aking tyan.

Bakit ko ba ginagawa ito? Siguro kse hindi na ako natutuwa sa nakikita ko sa salamin. Medyo hindi na kaaya aya ang aking hitsura. Panget na nga mataba pa. hehehe. Sinisikap ko naman na gawin ang aking makakaya eh. Nakita ko kse ang aking litrato nung buntis ako… mas payat pa ako kesa ngayon. hehehe. Sana nga magkaroon ng resulta.

 Sa panahon kse ngayon, masarap matulog, kumain at magmunimuni. Pero hindi dapat maging hadlang iyon sa aking adhikaing pumayat dba?

Sana may magdilang anghel para sakin an pumayat ako. hehehe.

Posted by dilanganghel at 2:31 am | permalink | Add comment

chocomallow crunch

September 9, 2009

 Naghahanap ka ba ng madali ngunit masarap gawin na matamis na pagkain? Hetong ibabahagi ko sa inyo ay napakadaling gawin. Tunawin lamang ang marshmallows sa microwavable na lalagyan, dagdagan ng isang kutsarang butter at i-microwave ng isang minuto (pwede rin naman tunawin lamang sa teflon. Pagnatunaw na ito ay ilagay ang rice crispies o di kaya yung milo na choco cereals. I-mold na. Lagyan ng candy springkles sa ibabaw.

Mga kailangan:

  • 10 pirasong Marshmallows
  • Butter 
  • Chocolate rice crispies
  • Candy sprinkles
Posted by dilanganghel at 3:16 am | permalink | comments[1]

Salad for midnight snack

Hindi ko na kaya! Hahaha. Alas 3 na ng umaga, nagising ako dahil sa .NAghalughog ako sa ref ng makakain. Nakakakita ako ng iceberg lettuce. Naisipan ko gumawa ng Salad. Buti na lang may feta cheese ako nabili nung isang araw. Ginayat ko ang ice berg ng maliliit na pahaba (para madali kainin). Nilagyan ko ng feta cheese sa ibabaw. Pinaghalohalo ko ang fresh basil (chopped) na nakuha ko sa aking halamanan, olive oil, red peppercorn (medyo durog), onting durog na paminta at asin.Ihinalo ko iyon para maging dressing ng salad ko ngunit di ako nasiyahan sa kulay nito. Dinagdagan ko ng kamatis at olives para naman magmukhang masarap( kahit hindi naman hahaha.) Hindi pa ko naligayahan dinagdagan ko pa ng itlog na nilaga sa ibabaw. Kayo rin kaya nyo gawin toh. 
 
Mga kailangan:
  • 2 pirasong Olives
  • iceberg lettuce
  • kamatis
  • feta cheese
Para sa dressing:
  • Olive oil
  • red peppercorn
  • paminta
  • asin
  • sariwang basil na tinadtad
 
Posted by dilanganghel at 2:37 am | permalink | Add comment

Timpla

September 5, 2009

Kung Ikaw ang tatanungin kung ano ang lasa ng buhay mo ano ang iyong isasagot?

Ako, aminado ako na hindi ko alam kung ano ba talaga ang timpla ng buhay ko. Kung Matamis ba, Maalat, Mapakla, Maasim o Maanta.

Ngunit gayun pa man nagpapasalamat ako sa kung ano man ang meron ako sa buhay ko at patuloy kong hahanapin ang timpla ng buhay ko.

Posted by dilanganghel at 12:09 am | permalink | Add comment

Fishsteak

December 3, 2008

You will need:

Oyster sauce
Onion cut into rings
Bangus Back Fillet (readily available in supermarkets)
Salt and pepper
Half a cup of water

Preparation time:

10mins

What to do:

Saute Onions. Add Bangus. DO NOT STIR. Add oyster sauce and half a cup of water. Simmer. Wait for the fish to cook. Stir. Add salt and pepper to taste.

Para sa mga housewife na on the go… e2 po eh para sa inyo.

Posted by dilanganghel at 1:25 am | permalink | Add comment